Commons:Language policy/tl
Shortcuts: COM:LP • COM:LANG • COM:NAME
Ang Wikimedia Commons ay isang proyektong multilingguwal. Naglalaman ang pahinang ito ng patakaran ng proyekto kung paano ginagamit ang nilalamang multilinggwal, at kung anong nilalaman ang nararapat sa aling wika. Tingnan ang Commons:Lokalisasyon para sa teknikal na proseso ng adaptasyon.
- Maaaring nasa anumang wika ang mga paglalarawan at galeriya, kategorya, at pahina ng paglalarawan ng midya o talaksan. Nararapat na idagdag ang mga ito sa maraming mga wika. Hinihikayat ang paggamit ng mga padrong panlengguwahe upang bawasan ang dami ng di-kinakailangang impormasyon at kalat sa paningin ng mga mambabasa.
- Dapat na nasa lokal na wika ang mga pangalan ng mga galeriya sa pangkalahatan. Pakitingnan ang Commons:Galleries para sa eksaktong patakaran.
- Dapat na nasa wikang Ingles ang mga pangalan ng mga kategorya sa pangkalahatang mga kaso, maliban sa ilang mga pangngalang pantangi, mga biyolohikong takson at termino na walang eksaktong katumbas sa wikang Ingles. Pumunta lamang sa Commons:Categories para sa eksaktong patakaran.
- Dapat na nasa uring pinakamadalas na makikita sa panitikang Ingles ang mga pangalan na nilalagay sa padrong Creator.
- Maaaring nasa anumang wika ang mga pangalan ng mga midya o talaksan. Dapat na deskriptibo ang mga pangalan na ito. Pakitingnan din ang Commons:File naming.
- Maaaring gumawa ng mga padron sa anumang wika. Kinikilalang bersiyon ang bersiyong Ingles kapag mayroong ibang mga wika ang teksto ng isang padron. Ibabatay sa bersiyong Ingles ang ibang mga bersiyong panlengguwahe ng padron na ito.
- Nakasulat sa Ingles ang mga patakaran at panuntunan at nakasalin sa ibang mga wika. Kinikilala ang bersiyong Ingles ng patakaran o panuntunan, at nakabatay rito ang ibang mga bersiyong pangwika.
Kasaysayan
Sinalin mismo sa ilang mga wika ang panukala noong 2009 na nagtatag sa patakarang ito, kabilang ang Commons:Sproche, Commons:Politikerezh yezh, Commons:Convencions de noms (idioma), Commons:Sprooch, Commons:Convencions de nomenatge (lenga), Commons:Języki, Commons:Política de línguas at Commons:语言政策.