Unang Pahina

Napiling artikulo

Tanaw ng Napoles mula sa Castelo Sant'Elmo kasam ang Certosa di San Martino.
Tanaw ng Napoles mula sa Castelo Sant'Elmo kasam ang Certosa di San Martino.

Ang Napoles (bigkas: NA-po-les; Italyano: NapoliKategorya:Mga artikulong may tekstong nasa wikang ItalyanoKategorya:Pages using Lang-xx templates, Ingles: NaplesKategorya:Mga artikulong may tekstong nasa wikang InglesKategorya:Pages using Lang-xx templates) ay isang lungsod sa Italya; ito ang kabisera ng rehiyon ng Campania at gayundin ng kasimpangalang kalakhang lungsod nito. Kilala sa mayamang kasaysayan, sining, kultura, arkitektura, musika, at mga lutuin, ang Napoles ay gumanap ng mahalagang papel sa Tangway ng Italya at iba pa sa mahabang panahon ng pag-iral nito, na nagsimula ng mahigit na 2,800 taon nang nakaraan. Matatagpuan sa kanlurang baybay ng Italya katabi ng Golpo ng Napoles, ang lungsod ay namamagitan sa dalawang dakong mabulkan: ang Bulkang Vesubio at ang mga Larangang Flegreo. Ito ay may populasyon ng 963,357 noong 2009. Unang tinirhan ng mga Griyego noong unang milenyo BK, ang Napoles ang isa sa pinakamatandang tuluyang tinitirhan na urbanong pook sa mundo. Sa ika-9 na siglo BK, isang kolonya na kilala bilang Parthenope (Sinaunang Griyego: ΠαρθενόπηKategorya:Mga artikulong may tekstong nasa wikang Sinaunang GriyegoKategorya:Pages using Lang-xx templates) ang itinatag sa Pulo ng Megaride. Noong ika-6 na siglo BK, muli itong itinatag bilang Neápolis. Ang lungsod ay isang mahalagang bahagi ng Magna Graecia, at may mahalagang papel sa pagsasanib ng lipunang Griyego at Romano, at naging mahalagang sentrong pangkultura sa ilalim ng mga Romano. Naging kabisera ito ng Dukado ng Napoles (661–1139), at matapos ng Kaharian ng Napoles (1262–1816), at sa huli ng Dalawang Sicilia hanggang sa pag-iisa ng Italya noong 1861. Ang Napoles ay tinagurian ding kabisera ng Baroko, na nagsimula sa karera ni Caravaggio noong ika-17 siglo, at sa rebolusyong pansining na kaniyang naitulak. Naging mahalagang sentro rin ito ng humanismo at Pagkamulat. Ang lungsod ay naging pandaigdigang pook-sanggunian ng klasikong muskika at opera sa pamamagitan ng Paaralang Napolitano. Sa pagitan ng 1925 hanggang 1936, ang Napoles ay pinalawak at iniangat lalo ng pamahalaan ni Benito Mussolini. Ang makasaysayang sentro ng lungsod ng Napoles ay ang pinakamalaking uri nito sa Europa at itinalaga bilang isang Pandaigdigang Pamanang Pook ng UNESCO. Kabilang sa mga kalapit na mahalagang pook pangkultura at pangkasaysayan ang Palasyo ng Caserta at ang mga Romanong guho ng Pompeya at Herculano.

Alam ba ninyo ...

Sa araw na ito (Abril 5)

Abril 5:

Napiling larawan

Si Sally Kristen Ride (Mayo 26, 1951 – Hulyo 23, 2012) ay isang Amerikanong astronauta at pisiko. Ipinanganak sa Los Angeles, sumali siya sa NASA noong 1978, at noong 1983 naging unang babaeng Amerikano at pangatlong babae na lumipad sa kalawakan, pagkatapos ng mga kosmonauta na sina Valentina Tereshkova noong 1963 at Svetlana Savitskaya noong 1982. Siya ang pinakabatang Amerikanong astronauta na lumipad sa kalawakan, na nagawa ito sa edad na 32.

May-akda ng larawan: NASA

Patungkol

Ang Wikipedia ay isang proyektong online na ensiklopedya na panlahat, nakasulat sa maraming wika, at pinagtutulungan ang paggawa ng mga artikulo sa prinsipyong wiki. Naglalayon ang proyektong ito na mag-alok ng mga nilalaman na malayang muling magagamit, walang pinapanigan, at napapatunayan, na maaring baguhin at mapabuti ninuman. Nakikilala ang Wikipedia sa pamamagitan ng mga naitatag na prinsipyo. Nakalisensiya ang nilalaman nito sa ilalim ng Creative Commons BY-SAKategorya:Mga artikulong may tekstong nasa wikang Ingles. Maari itong kopyahin at muling gamitin sa ilalim ng parehong lisensiya, na sumasailalim sa paggalang sa mga kondisyon. Ibinbigay ng Wikipedia ang mga nilalaman nito ng walang bayad, walang patalastas, at hindi nagsasamantala sa paggamit ng personal na datos ng mga gumagamit nito.

Mga boluntaryo ang nag-aambag o patnugot ng mga artikulo sa Wikipedia. Nakikipag-ugnayan sila sa isa't isa tungkol sa kanilang mga pagsisikap sa loob ng pamayanang nagtutulungan at walang pinuno.

Sa ngayon, mayroon ang Wikipediang Tagalog na:
48,873
artikulo
221
aktibong tagapag-ambag

Paano makapag-ambag?

Maaring maglathala ng online na nilalaman ang kahit sino basta't sundin nila ang mga pangunahing alintuntuning itinakda ng Pundasyong Wikimedia at ng pamayanan; halimbawa, pagpapatunay ng nilalaman, notabilidad, at pagkamagalang.

Maraming mga pahinang pantulong ang mababasa mo, partikular sa paglikha ng artikulo, pagbago ng artikulo o pagpasok ng litrato. Huwag mag-atubiling magtanong para sa iyong unang mga hakbang, partikular sa isa sa mga proyektong tematiko o sa iba't ibang espasyo para sa mga usapan

Ginagamit ang mga pahinang usapan upang isentralisado ang mga naiisip at kumento para mapabuti ang isang partikular na artikulo o pahina. Mayroon din sentrong portal o puntahan ng pamayanan, ang Kapihan, kung saan puwedeng pag-usapan ang pangkalahatang alalahanin sa pamayanang Wikipediang Tagalog. Pindutin ito upang magtanong o maghayag ng iyong naiisip para mapabuti pa ang Wikipediang Tagalog.

Kaganapan

  • Digmaan ng Iran, 2026: Ang pangulo ng Estados Unidos na si Donald Trump, sa kaniyang pangunahing talumpati mula nang magsimula ang digmaan, ay nagsabing malapit nang "tapusin ng mga puwersang Estados Unidos ang gawain" at na ang mga layunin ay "malapit nang makamit". Gayunpaman, sinabi rin niya na "lubhang matinding" aatake ang Estados Unidos sa loob ng susunod na 2–3 linggo kung hindi mararating ang isang kasunduan upang wakasan ang digmaan.
  • Krisis sa pandaigdigang langis, 2026: Iminungkahi sa paunang ulat ng Senado ng Pilipinas na pag-aralan ang pagpapatupad ng pansamantalang takdang pinakamataas na presyo sa langis at posibleng rasyon sa gasolina upang harapin ang tumataas na presyo at bantang kakulangan sa panustos dulot ng krisis sa pandaigdigang langis.
  • Inilunsad ng NASA ang Artemis II (nakalarawan) mula sa Sentrong Pangkalawakan ng Kennedy sa Florida, Estados Unidos, na sakay ang mga astronaut na sina Reid Wiseman, Victor Glover, at Christina Koch, kasama ang Canadian na astronaut na si Jeremy Hansen, para sa isang pag-ikot (flyby) sa Buwan.
Kategorya:Mga artikulong may tekstong nasa wikang Ingles