Prostata

Ang prostata o prosteyt (Ingles: prostate, mula sa Griyegong p??st?t?? - prostates, literal na "isang tao na nakatindig sa harapan", "tagapagtanggol", "tagapagsanggalang", "tagapag-alaga", "katiwala"[1]) ay isang langkapan o tambalan na tubulo-albeolar na glandulang eksokrin ng panlalaking sistemang reproduktibo sa karamihan ng mga mamalya.[2][3]

Sa mga lalaking tao, ang prostata ay isang glandulang kasukat ng walnut na nakapaligid sa yuritra at nakalagay sa ilalim ng pantog (bahay-tubig). Nag-aambag ito ng ilang dami ng ibang mga sustansiya sa pluwidong seminal habang nagaganap ang ehakulasyon. Sa mas may edad na mga lalaki, lumalaki ang glandulang ito at maaaring magdulot ng ilang mga suliranin sa pag-ihi.[4]

Noong 2002, ang pambabaeng mga glandulang para-uretral, o mga glandula ni Skene, ay opisyal na muling pinangalanan bilang pambabaeng prostata ng Federative International Committee on Anatomical Terminology (Pederatibong Internasyunal na Lupon sa Terminolohiyang Anatomikal).[5]

Ang prostata ay magkakaiba sa piling ng iba't ibang mga espesye ayon sa anatomiya, kimika, at pisyolohiya.

Mga sanggunian

Kategorya:Sistemang reproduktibo ng lalake Kategorya:Sistemang eksokrino


AnatomiyaTao Ang lathalaing ito na tungkol sa Anatomiya at Tao ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.Kategorya:Stub (Anatomiya)Kategorya:Stub (Tao)Kategorya:Mga lathalaing dapat palawigin

Kategorya:Lahat ng mga artikulong may patay na panlabas na link Kategorya:Mga artikulong may patay na panlabas na link (August 2021) Kategorya:Mga lathalaing dapat palawigin Kategorya:Sistemang eksokrino Kategorya:Sistemang reproduktibo ng lalake Kategorya:Stub (Anatomiya) Kategorya:Stub (Tao) Kategorya:Webarchive template wayback links